Kabanata 1 : Ang Muling Pagbangon
Humigit dalawang taon na din ang nakalipas mula ng ako’y nanahimik at natulog. Sa gitna ng kawalan ako’y nabuhay ng walang kaluluwa. Binalot ng kadiliman ang aking pagkatao. Sa kadiliman ko naramdaman ang tunay na kahulugan ng buhay. Sa araw na lumipas, hindi maalis sa isipan ang mga bagay na pilit na gumugulo sa aking isipan.
October 14, 2008
-Muli kong nakita ang pagsikat ng pabong buwan sa kalangitan. Napaka ganda ng pagsikat nito. Ang tatlong tala na gumagabay sa paglalakabay ng mga ligaw na kaluluwa ay muling nagpakita sa madilim na sulok ng kalangitan. 17 araw nalang darating na muli ang nakatakdang oras para sa bagong pagsilang. Ito ang pinaka magandang panahon upang hanapin ang katotohan sa likod ng mga kasinungalingan. Isang kalayaan ang naghihintay sa darating na paglalakbay patungo sa kawalan. Panahon na upang takasan ang impiyernong ito.
Walang pagkakaiba ang kahapon at ang bukas. Sila at sila parin ang makikita at makikilala mo.
Sa nakatakdang panahon ng paglaya, ang lahat ng lahat ay babalutin ng kadiliman. Darating ang pinakahihintay na bisita. Magsasama-sama ang lahat para sa isang pagdiriwang. Ang Oras ang magsasabi ng aking mga mensahe para sa lahat. Ang Araw ang magtuturo ng aking kinalalagyan. At ang Buwan ang siyang gagabay sa aking pagdating. Ang Hangin ang magdadala ng aking mensahe. Ang Ulan ang lilinis sa kalat ng impiyernong ito. Sa oras na nag-umpisa na ang paghinto ng oras. Walang sino man ang makakapagpabalik sa pagdaloy ng panahon.